Matapos ang paghingi ng sorry ni Gerald Anderson kay Bea Alonzo sa panayam ni Boy Abunda, tila ayaw paawat ng aktor na si Janus Del Prado, na kaibigan ni Bea, sa pagpapatutsada kay Gerald.
Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Janus ng isang photo message na nagsasaad ng "How to Apologize." Bagama't wala siyang binanggit na pangalan, naniniwala ang netizens na ang pinariringgan niya ay walang iba kung hindi si Gerald Anderson.
"Ayan ah ginawan na kita ng kodigo para di ka na nagmumukhang ewan. #sorrynotsorry," saad sa kaniyang caption.
Nakasaad sa photo message ni Janus ang anim na paraan kung paano umano dapat mag-sorry nang tapat:
Una, "take FULL responsibility of your actions without splitting the blame with the other person."
Pangalawa, "sincerely say and mean that you are truly sorry."
Pangatlo, "don’t expect or get mad if the other person refuses to forgive you. You’ve wronged them so they have every right in the world to choose whether to forgive you or not."
Pang-apat, "you don’t get to say ‘move on’. That’s just the way it is."
Panlima, "say sorry not just through your words but most importantly through your actions."
At pang-anim, "do it in private."
Bukod sa photo message na ito, may pa-blind item pa si Janus hinggil umano sa "kalokohang" ginawa ni "G" noon kay "P" sa set ng kanilang pelikulang "MPY."
Ibinunyag ni Janus na inaatake na siya ng “paid trolls" nina "G&J."Pagbabanta ng aktor, kapag hindi siya tinigilan ng "paid trolls" ay handa siyang pakawalan ang isang sikretong matagal na niyang nais ilabas.
"Inaatake na ako ng mga paid trolls nina G&J pero kahit kelan naman wala naman akong sinabing masama kay J. Sabihan n'yo kasi 'yang pa-victim ninyong master na wag manipulahin ang mga tao sa paligid niya at pag-away-awayin para lang mapagtakpan yung milagro na ginawa nila ni P sa set ng MPY. Pinagtanggol pa naman naming lahat siya kay B. Muntikan na tuloy masira ang pamilya ng OMC. Pa-FO na eh. Buti naisalba pa. Nyeta ka. #aynapost," saad sa isa pang photo message ni Janus.
Samantala, wala pa namang reaksyon ang kampo ni Gerald hinggil sa isyung ito.