DAVAO CITY - Nabigo si Senator Manny “Pacman” Pacquiao na maipakita ang mga dating malalakas na suntok kaya natalo ni Cuban boxer Yordenis Ugas sa pinaglalabanang nilang World Boxing Association (WBA) super world welterweight title sa T-Mobile Arena, Las Vegas nitong Linggo (Sabado sa Pilipinas).

“His old moves never came back, of course he's getting older,” pagdidiin ni boxing promoter at manager Brico Santig ng Highland Promotions.

Kung sireferee-judge Silvestre Abainza naman ang tatanungin, dapat nang magretiro si Pacquiao dahil marami na itong naibigay na karangalan sa Pilipinas.

“It’s really time to retire. He is old. Eighth division world champion even maybe 100 years unmatched by Manny Pacquiao,” ani Abainza at idinugtong na panahon na upang pagtuunan nito ng pansin ang politika.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hindi rin dapat nilabanan ni Pacquiao si Ugas dahil pitong taon itong mas bata kaysa sa kanya

“Filipinos love him dearly. He is the only one who has given honor to the Philippines that no one else can match. That is already imprinted in the hearts of Filipinos for even a thousand years. Manny Pacquiao is in history,” pahayag pa ni Abainza.

Si Ugas ay ipinalit lamang kay Errol Spence na unang itinakdang magiging kalaban ni Pacquiao, gayunman, umatras ito dahil sa kanyang retinal tear.

Ito na ang ika-walong pagkatalo ni Pacquiao, gayunman, mayroon pa rin itong 62 panalo at dalawang draw.

PNA