Pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline sa pag-file ng ilang tax returns sa mga lugar na nakataas pa rin ang enhanced community quarantine (MECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ito ang tugon ni BIR Commissioner Caesar R. Dulay para sa hakbang ng gobyerno na makontrol ang pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant ng coronavirus disease (COVID-19).

Pinayuhan ng BIR chief ang mga taxpayers na magsumite ng mga tax returns sa loob ng 15 araw matapos ang dalawang quarantine classifications.

Para lalong maprotektahan ang mga taxpayers laban sa banta ng COVID-19, pinapayagan na rin ng ahensya na mag-file ng tax returns sa pinakamalapit na authorized agent banks.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Dagdag ni Dulay, maaari ring gamitin ng mga tax filers ang online payment facilities sa mga piling bangko, maging ang Gcash at Paymaya.

Jun Ramirez