Nag-alay ng isang madamdaming Facebook post si Queen of All Media Kris Aquino para sa kaniyang kumpareng si Pambansang Kamao Manny Pacquiao, matapos ang pagkatalo sa laban nito kay Cuban professional boxer Yordenis Ugas na ginanap sa Las Vegas, USA nitong Agosto 22 (PH time).

Kris Aquino arrives at QC hospital following death of brother Noynoy – Manila  Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

"Pinahanga mo ako #PacMan. Lumuha ako sa interview mo. No need to apologize, and we Filipinos wholeheartedly appreciate your THANK YOU. Most of all recognizing that the real fight, yung totoong #laban is back here at home para sa mga kababayan mo, after what I am sure was a crushing loss, you truly are a man of #faith," ani Kris.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Binanggit din ni Kris ang misis ni PacMan na si Jinkee Pacquiao.

"My love and prayers are with you mare @jinkeepacquiao. God will surely be guiding and healing both of you in the coming days," saad ni Kris.

Screenshot mula sa FB/Kris Aquino

Pinuri ni Kris ang katapangan ni Manny na maging mapagkumbaba pa rin sa pagharap ng kaniyang pagkatalo. Kung tutuusin, wala na umanong dapat pang patunayan si Manny sa larangan ng boxing, dahil alam naman na ng lahat na isa na siyang legendary icon pagdating dito.

"Madali at masarap manalo, tonight nakita ko sa gitna ng pait ng pagkatalo kinayang ngumiti, magpakumbaba, humingi ng paumanhin, at magpasalamat ng isang taong kung tutuusin nagawa ang hindi na mapapantayan- mabigyan ang ating bansa ng 8 titles in 8 different weight divisions. Mabuhay ka @mannypacquiao," huling pahayag ni Kris.