Isang bubog art tribute ang alay ng artist na si Francis Diaz mula sa Samar para kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao, dahil sa laban nito kay Yordenis Ugas. Pinamagatan niya itong "BUBOG ART PARA SA PAMBANSANG KAMAO."

"We are Proud of you Manny Pacquiao, manalo o matalo ikaw pa rin ang nag -Pambansang Kamao ng mga Pilipino. As always you carry the pride of many Filipinos," saad sa kaniyang caption.

Mga binasag na bote ang pangunahing medium niya na may sukat na 16 x 20 portrait. Gumugol umano siya ng 2 oras para lamang matapos ang naturang bubog art.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

No description available.
Larawan mula sa FB/Francis Diaz

No description available.
Larawan mula sa FB/Francis Diaz

No description available.
Larawan mula sa FB/Francis Diaz

No description available.
Larawan mula sa FB/Francis Diaz

No description available.
Larawan mula sa FB/Francis Diaz

Nalungkot man sa pagkatalo ni PacMan, para kay Diaz ay dapat maging proud pa rin ang mga Pilipino sa Pambansang Kamao.

"Okay lang po na hindi siya pinalad ngayon, kaka-proud pa rin naman sa Pambansang Kamao natin. Still proud pa rin po," saad ng artist.

Natalo ni Ugas si Pacquiao via unaninomous decision nitong Agosto 22, 2021 (PH Time) na ginanap sa Las Vegas, USA.