Posibleng magsara nang tuluyan ang tinatayang 16,000 na negosyo kung palalawigin pa ang umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ito ang ikinabahala ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez dahil sa matinding naapektuhan ang maliliit na negosyo nang sumailalim muli sa ECQ ang Metro Manila simula nitong Agosto 6 hanggang Agosto 20 dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 at banta ng pagkalat ng Delta variant.
Mas mainam aniya na kung pairalinna lamang ang Modified ECQ o MECQsa Metro Manila pagkatapos ng ECQ period.Kahapon, sinang-ayunan ng kalihim ang panawagan ng business groups na isailalim ang Metro Manila sa less restrictive quarantine status upang maibalik muli ang maraming trabaho.
Idinagdag pa nito na aabot sa P105 bilyong ang pinangangambahang lugi kada linggo sa ekonomiya ng bansa bunsod ng pagsasailalim sa ECQ ng Metro Manila.
Nitong Martes, nagpulong ang mga alkalde ng National Capital Region, kasama ang Metropolitan Manila Development Authority upang gumawa ng kaukulang rekomendasyon sa IATF para sa panukalang quarantine status na ipatutupad sa NCR
Bella Gamotea