Naipamahagi na ng Muntinlupa City government ang₱128.286 milyong ayuda mula sa national government sa loob lang ng tatlong araw.

Nagsimula ang payout sa pamamagitan ng mobile wallet app na Gcash mula Agosto 11, at nitong Agosto 13, umabot na sa₱128.286 milyon o katumbas ng 128, 286 beneficiaries o 29 porsyento sa kabuuang₱442.191 na parte ng lungsod.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginamit ng Muntinlupa government ang Gcash sa pamamahagi ng ayuda.

Kailangang irehistro ng mga beneficiaries ang kanilang Gcash accounts na beberipikahin naman bago makatanggap ng nakalaang halaga, ayon sa city government.

PBBM, bumati sa Mother’s day; Sen. Imee, ‘inelbow’ sa picture?

Makatatanggap ng halagang P1,000 ang bawat indibidwal at P4,000 maximum ang bawat pamilya.

Ang makakatanggap ng ayuda ay maaaring mag-cash out sa kanilang Gcash accounts sa alinmang BancNet or Mastercard affiliated automatic teller machines (ATMs) at ilang partner outlets.

Inanunsyo rin ng Muntinlupa City government na maaring gamitan ang Gcash verified accounts ng ilang miyembro ng pamilya basta’t nadeklarang official dependents ito sa registration.

Kaugnay nito, plano ring magbahagi ng manual payout scheme ang Mandaluyong para sa mga hindi makatatanggap ng ayuda via Gcash.

Jonathan Hicap