Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana nitong Biyernes, Agosto 13, isang taon nang hindi namamataan ng Armed Forces of the Philippines’ Northern Luzon Command (AFP-NOLCOM) ang Chinese research ship na “Hai Da Hao” sa loob ng Area of Responsibility, partikular na sa Panatag Shoal (Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal) sa baybayin ng Zambales.

“Contrary to some published reports regarding the Chinese research vessel Hai Da Hao, the AFP Northern Luzon Command has reported that the said vessel has not been spotted near Bajo de Masinloc as alleged,” sabi ni Lorenzana.

“Based on the verification of the one-year historical track of CRV Hai Da Hao, the vessel did not pass through nor did it enter the area of responsibility of Naval Forces Northern Luzon,” dagdag nito.

Ayon pa sa Defense chief, namonitor ng NOLCOM ang Hai Da Hao na kasalukuyang nasa loob ng teritoryo ng China sa Timog na bahagi ng Huidong Xian, Huizhou.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Pinamamahalaan ng China Ocean University ang naturang research ship.

Unang nagpaabot sa kanyang Twitter post si Ryan Martinson, isang assistant professor mula United States Naval War College, kung saan namataan umano ang Hai Da Hao 65 nautical miles, Silangan ng Panatag Shoal nitong Miyerkules, Agosto 11.

Dagdag ni Martinson, nilisan ng research ship nitong Huwebes ang exclusive economic zone ng bansa subalit dalawang Chinese vessels pa ang nananatili sa loob ng karagatan ng Pilipinas.

Pagdedetalye nito, nasa baybayin ng Busuanga, Palawan ang “Jia Geng” habang nasa baybayin ng Pangasinan naman ang “Dong Fang Hong 3.”

Sa tanong kung may naiulat bang presensya ng Chinese ship sa rehiyon, ani ni Lorenzana, “We will check.”

Martin Sadongdong