Umaasa ang Philippine Football League (PFL) na makapagsimula na sila ng kanilang fifth season sa labas ng Metro Manila sa susunod na buwan.

Ayon kay PFL commissioner Coco Torre, binabalak nilang magsimula sa huling linggo ng Setyembre matapos maudlot ang naunang plano nilang pagbubukas duot ng ginawang implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan.

“Hopefully, by the last week of September. It will depend on the country’s Covid-19 situation.We really want the league to push through but of course under the right circumstances which ensures the safety of everyone,” pahayag no Torre.

Matatandaang magbubukas sana ng kanilang 5th season ang PFL sa Agosto 21 sa Philippine Football Federation National Training Center sa Cavite at Biñan Football Stadium sa Laguna bilang mga venues para sa kanilang closed-circuit games.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Gayunman, napilitan silang kanselahin ito matapos isailalim ng pamahalaan sa mas mahigpit na quarantine status ang Metro Manila, Laguna at Cavite mula Agosto 6 hanggang 20 ba naging dahilan para matigil ang scrimmages ng mga teams.

Ayon pa kay Torre, nakatakda nilang iprisinta ang kanilang final plan sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), kasabay ng kanilang hiling para makabalik sa training ang kanilang mga koponan at mga itinakdang health protocols para sa season

Siyam na koponan ang inaaaahan ng PFL na lalahok sa kanilang darating na season sa pangunguna ng PFL champion United City FC at mga mainstay na Kaya Iloilo FC, Maharlika FC, Azkals Development Team, Stallion FC at Mendiola FC.

Marivic Awitan