Handa nang tumanggap ng dagdag na mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease (Covid-19) ang Lung Center of the Philippines (LCP) matapos ang anunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bagong limang modular hospitals sa LCP compound.

Kayang tumanggap ng hanggang 108 na pasyente ang mga bagong tayong modular hospitals na inilaan para sa mga kritikal na kaso ng Covid-19.

Isa sa limang units ay magsisilbing Intensive Care Units (ICU), kung saan ang 20 beds ay ilalaan sa mga pasyenteng komplikado ang medikal na atensyon.

Handa na rin ang apat na iba pang units na mayroong kabuuang 88 beds sa mga kagamitan kagaya ng oxygen system, toilet at bath rooms.

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill

Inaasahan ni DPWH Secretary Mark Villar na palalakasin ng bagong modular hospitals ang kapasidad ng LCP habang unti-unti nang napupuno ang mga pagamutan sa Metro Manila dala ng mas nakakahawang Delta variant.

Pinal na ininspeksyon ng kalihim ang pasilidad nitong Martes, Agosto 10.

“I am grateful and thankful for all those involved who helped this much-needed hospital facility be completed,” sabi ni Villar.

Naitayo ang modular hospitals sa inisyatiba ng DPWH sa ilalim ng Force for Augmentation of Local/National Health Facilities.

Betheena Unite