Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan pa nito ng karagdagang cash rewards ang lahat ng miyembro ng Philippine boxing team matapos manalo ng medalya sa 2020 Tokyo Olympics.
Ito ang isinapubliko ng Pangulo sa virtual courtesy call ng national boxing team matapos silang dumating sa bansa nitong Lunes, Agosto 9, mula sa matagumpay na kampanya sa Tokyo Olympic Games.
Bukod aniya ito sa₱5 milyon reward para sa Olympic silver medalist at₱2 millyonreward para sa bronze medalist na mula sa pamahalaan alinsunod na rin sa batas.
“I’d like to announce that in addition to what the law gives you, the PHP5 million silver medalist and the bronze medalist, PHP2 million. My office, the Office of the President will grant additional cash incentives to our athletes in the Tokyo Olympics,” pahayag ni Duterte.
Sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam na kapwa nakakuha ng silver medal sa women’s featherweight at men’s flyweight, ayon sa pagkakasunod ay makatatanggap ng karagdagang l₱2 milyon mula sa Office of the President. Habang si Eumir Marcial na nakasungkit ng bronze sa middleweight division ay makakakuha ng dagdag na ₱1 millyon mula sa Pangulo.
PNA