Binasag na ni Ellen Adarna ang isyu hinggil sa umano'y pag-walkout niya sa lock-in taping ng kanilang sitcom ni John Estrada na "John En Ellen" sa TV5.
Sinoplak niya rin ang mga basher na nagsasabing unprofessional siya sa kaniyang ginawa. Aniya, alam daw niya ang kaniyang mga karapatan at prayoridad niya ang health and safety, lalo na't may junakis na siya.
"There is what you call the LAW and IATF protocols and because of covid, it must be strictly implemented," aniya sa Instagram page.
“I know my rights and before you say and assume, know your rights too so you can set limits and boundaries (its good and healthy for you). Violating IATF protocols and stripping me of my rights is unprofessional and unethical.”
Tinag pa niya ang kanilang mga direktor. Napangakuan siya na may cut-off lamang ang kaniyang taping at kailangan na nilang umuwi, nang mga panahong iyon. May mga maipakikita raw siyang pruweba hinggil dito.
“I was promised a cut-off and even I extended it for another hour para walang masabi (I have receipts to prove this too), I guess someone wasn't informed of some crucial information. Right direc? @tagaakay @rubybrillo."
Matatandaang si Long Mejia na kasama niya sa sitcom na iyon ang nagbuking na totoo ang walk-out issue na ito, subalit kumambyo rin at humingi ng tawad kay Ellen at sa dyowa nitong si Derek.
Samantala, maingay naman ang usap-usapang hindi na babalik si Ellen sa sitcom, at chikang papalitan umano siya ni Miss Universe- Philippines Rabiya Mateo.