Larawan mula sa Facebook ng Commission on Human Rights (CHR)

Gumugulong na ang imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) kaugnay ng pagkamatay ng dalawang aktibista matapos umanong lumaban sa mga awtoridad sa Albay nitong Hulyo 26.

Sa ulat ng CHR, dinampot umano ng mga pulis sina Jaymar Palero, 22, at Marlon Napire, 40, habang nagpipintura ng protest slogan sa Guinobatan.

“CHR is interested in ferreting out the truth after there are accounts that the two victims were claimed to be unarmed during the incident and that one of the victims, Jaymar, was said to have signs of torture”, pahayag ng CHR sa kanilang Facebook page.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakikipag-ugnayan na ang CHR sa pamamagitan ng kanilang Regional Office sa hepe ng pulisya ng Guinobatan upang sibakin muna sa kanilang puwesto ang mga pulis na idinadawit habang isinasagawa pa ang imbesigasyon sa insidente.

“Continuous attacks and deaths of activists remain to be a cause of concern for CHR. These incidents have repercussions on the people's exercise of freedom of expression, and right to raise complaints and petition action from government without fear of punishment or reprisals. Arbitrary killing is also clear assault to a person's right to life,” dagdag ng CHR.

Tinanggap din ng ahensya ang agad na aksyon ng Department of Justice o DOJ ang National Bureau of Investigation na maglunsad ng sarili nitong imbestigasyon.

Umapela rin ang CHR sa pamahalaan na igalang ang karapatan ng lahat, kabilang na ang mga nagpoprotesta laban sa gobyerno.