Bukod sa National Capital Region (NCR), sinimulan na rin ng Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) nitong Biyernes ng madaling araw sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 sa bansa.

Ipinaiiral sa Metro Manila ang dalawang linggong ECQ simula Agosto 6-20 habang siyam na araw lamang ang ipatutupad ng Laguna,Iloilo at Cagayan de Oro simula Agosto 6-15.

Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim pa sa mas pinahigpit na ECQ ang mga tinukoy na lugar upang hindi na lumaganap pa nang husto ng sakit.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Bago isinailalim sa ECQ, dating nasa modified ECQ (MECQ) ang Laguna. Dati ring nasa ECQ ang Iloilo City at Cagayan de Oro City hanggang Agosto 7, gayunman, pinalawig pa ito hanggang Agosto 15.

Isinailalim naman sa MECQ ang Cavite, Lucena City, Rizal at Iloilo province simula Agosto 6-15.

Argyll Cyrus Geducos