Humingi na ng paumanhin si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kay Olympic Gold medalist Hidilyn Diaz kaugnay ng inilabas niyang matrix noong 2019 na nagdadawitsa nasabing atleta sa tangkang pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Reaksyon itoni Panelo nang lumabas muli ang 'Oust Duterte' matrix kasunod ng makasaysayang pagkakapanalo ni Diaz sa Tokyo Olympics kamakailan.

Sa isang panayam, nilinaw ni Panelo na ang pagkakasama ni Diaz sa matrix ay walang ibang ipakahulugan at ito ay upang ipakita na siya (Diaz) ay sinusundan sa social media ng isang Rodel Jayme na may kinalaman sa pag-upload ngvideo na may titulong, "Ang Totoo Narco-list" sa panahon ng eleksyon noong 2019.

“I’m sorry, I’m sad to know na nasaktan si Hidilyn.. I’m sorry for it. Kawawa naman," ang pagpapakumbabangpahayag ni Panelo.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Posibleaniyang hindi sinasadya ng mga gumawa ng matrix na idawitsi Diaz sa tangkang pagpapatalsiksa Pangulo.

“Pero... I’m telling Hidilyn, if she is watching, hindi naman 'yun, palagay ko, intensyon ng mga gumawa ng matrix.There is whatsoever no intention, imagined or real, na nili-link mo si Hidilyn. Nagkataon lang na inilagay 'yung kanyang pagiging fan nitong si Jayme. 'Yun lang 'yun eh," dugtong nito.

“I apologize. Because nasaktan siya. But sinasabi ko sa kanya misplaced 'yun pain mo kasi hindi naman talaga 'yun ang intensyon".

“The message is before you feel pain about it, medyo tingnan mo muna kung talagang tama ba yung sapantaha mo.Ang problema kasi, ang nangyari naman sa kanya, kaya naman siya naniniwala, eh ang daming nag-react agad," pahabol pa nito.

Binati na ng Malacañang si Diaz dahil sa pagkapanalo ng gold medal sa weightlifting competition sa 2020 Tokyo Olympics.

“The Palace congratulates Hidilyn Diaz for bringing pride and glory to the Philippines for winning the country’s first-ever Olympic gold medal,” paliwanag naman ni Presidential Spokesman Harry Roque, kamakailan.

“Congratulations, Hidilyn. The entire Filipino nation is proud of you. Laban, Pilipinas!" dugtong pa ni Roque.

Matatandaang naisama sa matrix si Diaz nang humingi ito ng financial support para sa pag-eensayo nito sa pagsabak sa Olympics noong 2019.

Aminado si Diaz na nasaktan siya at nangangamba sa kanyang kaligtasan matapos itong maisama sa matrix.

Nauna nang itinanggi ni Roque at isinisi kay Panelo ang pagkakalantad nito.

PNA