Uulanin ang gaganapin na huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw, Hulyo 26.

Ito ang pagtaya ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather specialist Chris Perez at isinisisi ito sa umiiral na habagat o southwest monsoon.

Bukod sa Metro Manila, inaasahang makararanasdin ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms angAbra, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, at Batangas.

Kaugnay nito, dalawang sama ng panahon ang namataan ng PAGASA sa labas ng Philippine area of responsibility, gayunman, nilinaw nito na hindi ito makaaapektosa bansa.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go