Matapos ang 30 taon sa pagiging recruiter ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA), sumuko na rin ito sa mga awtoridad sa Valenzuela City, nitong Biyernes ng hapon.
Isinuko rin ng nasabing rebelde ang kanyang mga baril nang pormal nitong panumpaan ang katapatan ng kanyang pagbabalik-loob sa pamahalaan sa pagharap niya sa mga mamamahayag na naghintay sa kanya sa Valenzuela Police Station.
Sinabi nito na maling-maling ang kanyang pagsapi sa mga komunista dahil sa loob ng mahigit 30 taon ay nasayang lang kanyang walang silbingpakkipaglabandahil hindi umanonabagoang takbo ng kanyang buhay.Isinagawa ang pagsuko bunsod na rin ng pinaigting na programa ng pamahalaan naEnd LocalCommunist Armed Conflict(ELCAP).
Orly Barcala