Matapos ang sunud-sunod na linggong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, bigla namang nagdesisyon ang mga kumpanya ng langis na magbawas ng kanilang presyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng bumaba sa P0.85 hanggang P0.95 sa presyo ng kada litro ng gasolina;P0.70-P0.80; at P0.60-P0.70 sa presyo naman ng kerosene.

Ang nakaambang pagbabawas ng presyo ay batay na rin sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Nitong Hulyo 20, huling nagtaas ng 30 sentimos sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene habang 10 sentimos naman sa kada lltro ng gasolina.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Bella Gamotea