Pilipinas ang naging unang bansa sa buong mundo na nag-apruba nitong Biyernes sa commercial production ng genetically modified "golden rice"na inaasahan ng mga eksperto na lalaban sa sakit tulad ng childhood blindness at makapagsasalba ng buhay sa mga developing countries.
Nagbibigay-daan ang biosafety permit na inilabas ng pamahalaan para sa uri ng bigas—na mayaman sa vitamin A precursor beta-carotene upang mas maging nutritional –na maitatanim ng mga magsasaka sa bansa, ayon sa mga developers nito.
"It's a really significant step for our project because it means that we are past this regulatory phase and golden rice will be declared as safe as ordinary rice," pahayag ni Russell Reinke ng Philippine-based International Rice Research Institute (IRRI) sa AFP bago ang anunsiyo.
Sunod na hakbang, aniya, “[was to] take our few kilos of seed and multiply it... so it can be made more widely available.”
Naglaan ang IRRI ng dalawang dekada sa pag-aaral katuwang ang Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute upang mai-develop ang golden rice – na ipinangalan sa matingkad na dilaw nitong kulay.
Ito ang unang genetically modified rice na inaprubahan para sa commercial propagation sa South at Southeast Asia, ayon sa mga opisyal.
Naharap sa matinding oposisyon ang golden rice mula sa mga environmental groups na tutol sa genetically altered food plants. Isa sa mga test field sa Pilipinas ang inatake kaugnay nito.
Sa kabila naman ng pagpasa sa regulatory, malayo pa ang tatahakin ng bigas na ito bago makita sa hapag-kainan.
"Limited quantities" ng binhi ang maaaring masimulang maipamahagi sa mga Pilipinong magsasaka sa ilang piling probinsiya sa susunod na taon,” pagbabahagi ni Reinke.
Nagpo-produce ang ordinaryong palay, ang pangunahing pagkain ng daang milyong tao sa Asya, ng beta-carotene sa halaman, ngunit hindi ito nakikita sa bigas.
"The only change that we've made is to produce beta-carotene in the grain," aniya.
"The farmers will be able to grow them in exactly the same way as ordinary varieties... it doesn't need additional fertiliser or changes in management and it carries with it the benefit of improved nutrition."
Mahalaga ang vitamin A para sa normal na paglaki, tamang paggawa ng immune system, at5 sa paningin.
Ayon sa datos ng World Health Organization, nagdulot ang vitamin A deficiency ng hanggang 500,000 kaso ng childhood blindness kada taon, kung saan kalahati ng bilang ang namatay sa loob ng 12 buwan ng pagkawala ng paningin.
Halos 17 porsiyento ng mga batang 5-anyos pababa sa Pilipinas ang kulang sa vitamin A, ayon sa IRRI.
"We've always said we will provide 30-50 percent of that estimated average requirement (of vitamin A), and when you add that to what is existing in the diet you push up a whole cohort of the population from insufficiency to sufficiency," ani Reinke.
Dumaan na ang golden rice sa pagsusuri ng food safety regulators sa Australia, United States at Canada at nabigyan ng thumbs up, ngunit hindi pa ito naaaprubahan para sa commercial production.