Magpapakalat ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 1,360 na tauhan upang umalalay sa mga motorista sa rerouting scheme na ipatutupad sa Commonwealth Avenue, sa Quezon City para sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Lunes, Hulyo 26.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, binubuo ito ng traffic enforcers, Road Emergency Group personnel, Motorcycle Patrol Units at Sidewalk Clearing Operations Group.

Pinaalalahanan naman ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta upang hindi maabala sa inaasahang matinding daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue at sa paligid ng Batasang Pambansa Complex.

Para sa alternatibong ruta, ang northbound mula Quezon Memorial Circle patungong Fairview na magmumula sa Elliptical Road (QMC) ay maaring dumaan sa North Avenue, Mindanao Ave., Quirino Highway, Commonwealth Ave, patungo sa destinasyon.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa mga sasakyang patungong southbound, mula sa Fairview patungo sa Quezon Memorial Circle, mula sa Elliptical Road (QMC), ay dumaan sa Commonwealth Avenue, Quirino Highway, Mindanao Avenue, North Avenue patungo sa destinasyon.

Maaari rin dumaan ang light vehicles na magmumula sa QMC papuntang Fairview,  sa Marikina mula Elliptical Road (QMC), kumanan sa Maharlika, kaliwa sa Mayaman, kanan sa Maginhawa,  kaliwa sa C.P. Garcia, kanan sa Katipunan Ave., kaliwa sa A. Bonifacio Ave.,  diretso sa Gen. Luna Ave., kanan sa Kambal Road, kaliwa sa GSIS Road, kaliwa sa Jones St., kanan sa Gen. Luna Ave., diretso sa A. Mabini St., kaliwa sa Rodriguez Highway, kaliwa sa Payatas Road patungong destinasyon.

Ang mga light vehicle, mula sa C-5  kumaliwa sa Magiting, kanan sa Maginhawa, kaliwa sa Mayaman, Kalayaan hanggang sa destinasyon.

Para sa mga truck, mula sa Katipunan/C-5, C-5/Luzon, Congressional Ave. patungo sa destinasyon. 

Bubuksan naman ng MMDA ang zipper lanes o papayagan na ang counterflow sa Commonwealth Avenue sa  U.P. Techno Hub at Tandang Sora, upang makabawas sa dagsa ng mga sasakyan sa northbound lane.

Bella Gamotea