Nagpasalamat si Vilma Absalon, ina ng football player na si Kieth Absalon na pinatay ng NPA, sa suportang ibinigay ng gobyerno sa kanila.

Sa kanyang text message sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Martes, nanawagan si Absalon ng pagkakaisa laban sa terorismo and communist terrorist groups (CTGs)sa bansa.

“Sana magising na ang lahat na maghari ang kapangyarihan ng Panginoon at magtiwala sa magandang hangad ng ating administrasyon, maalis na ang mga gahaman, sakim sa salapi, ang mga kontra administrasyon. Salamat sa kabutihan sa pagsubaybay nyo sa aming pamilya,” aniya.

Noong Hulyo 17, nagsagawa ng event ang ilan sa mga youth organizations ng “Bike for Justice and Peace” para kay Kieth Absalon, na minamarkahan ang ika-40 araw matapos ang pagkamatay ni Kieth at ng kanyang pinsang si Nolven, nangmasabugan ng anti-personnel mine ng NPA habang nagbibisikleta sa Masbate City noong Hunyo 6.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sumali ang mga bikers mula sa iba’t ibang parte ng bansa sa event na nanawagan ng hustisya para sa pagkamatay ng magpinsang Absalon at maging sa mga naging biktima ng terroristic acts ng mga NPA, ang armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Ang youth group na Propelling Our Inherited Nation Through our Youth (Pointy Inc.),ang isa sa mga nagpasimula ng event, anila, sumali ang kanilang grupo para manawagan na wakasan na ang mga karahasan na bumibiktima sa mga kabataan.

Taos puso namang nagpapasalamat ang Pamilya Absalon sa suporta mula sa gobyerno at youth sector sa matagumpay na event.

“Taos puso po kaming nagpapasalamat sa walang sawa sa pagpatuloy na pagkakaisa sa pagtugis ng terorista,” ayon kay Vilma Absalon.

“Kailangan po nating maging matapang sa katotohanan hangad po ng aming pamilya ang matiwasay na pamumuhay ng sambayanan, kalayaan at pagkakaisa ng tao sa bansang Pilipinas,” dagdag niya.

Pagkamatay ni Kieth Absalon

Matatandaan na namatay sa pagsabog ng Improvised Explosive Device (IED) ng NPA ang 21-anyos na si Kieth Absalon at ang kanyang 40-anyos na pinsang si Nolven, habang nagbibisikleta sa Purok 4, Barangay Anas, Masbate City noong Hunyo 6.

Si Kieth, 21-anyos, ay isa sa itinuturing na promising player sa larangan ng football sa Pilipinas at dating UAAP football juniors Most Valuable Player.

Sa ulat ng mga awtoridad, ang New People’s Army ang nagtanim ng IED sa lugar na kung saan nagbibisikleta ang mag pinsan.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/06/07/nagbibisikleta-lang-si-kieth-absalon/

Makalipas ang ilang araw ng pagkamatay ni Kieth, tila naningil ang militar sa NPA. Ayon kay Lt. Col. Steve dela Rosa, Masbate City Police Station chief, habang ang joint operating team ng mga security operatives ay patungo para maghatid ng warrant of arrest na inisyu ng Masbate Regional Trial Court (RTC) laban sa mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ay pinaputukan sila ng 30 hindi kilalang armadong lalaki.

Nagresulta ito sa pagkamatay ng tatlong miyembro ng CTG sa ilalim ni Arnold Rosero a.k.a Star Command sa probinsya ng Masbate.

Kaya naman ang gusto ng kanyang pamilya ay makamit ang hustisya. Sapagkat hindi sila naniniwala na namatay lamang ito sa landmine, kundi dahil sa mga ebidensya na mayroon mga bakas ng bala ang nakita sa mukha ni Kieth at sa likod ng pinsan nito.

Ang pangarap na maging miyembro ng Philippine Azkal ay hindi na matutupad ni Kieth dahil sa karahasang pangyayari.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/06/09/militar-naningil-sa-npa-sa-pagkamatay-ni-kieth-absalon-3-patay-sa-ctg/

PNA