Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng may 5,916 karagdagang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Linggo.
Batay sa inilabas na case bulletin ng DOH dakong 4:00 ng hapon, nabatid na dahil sa mga naturang bagong kaso ng sakit, umakyat na ngayon sa 1,473,025 ang total cases ng COVID-19 sa bansa.
Gayunman, sa naturang bilang, 49,701 na lamang o 3.4% ang aktibong kaso.
Sa aktibong kaso naman, 89.3% ang mild cases, 5.0% ang asymptomatic, 2.4% ang severe, 1.70% ang moderate at 1.5% ang critical.
Nasa 94.9% naman ng total cases ang gumaling na sa sakit o kabuuang 1,397,403, matapos na madagdagan pa ng 6,127 bagong recoveries.
Samantala, ang COVID-related fatalities ay nadagdagan ng 105 kaya’t umakyat na ito ngayon sa 25,921 o may case fatality rate na 1.76%.
Ang positivity rate naman ay nasa 11.4%, base sa testing samples ng 47,070 indibidwal na na-screened para sa sa sakit nitong Linggo.
Mary Ann Santiago