Dumating na sa bansa ang karagdagang 37,800 doses ng Russian-made Sputnik V vaccine-Component I nitong Sabado ng gabi.

PNA photo by Robert Alfile

Ang latest shipment ng bakuna na galing Russian ay dumating sakay ng isang Korean Air flight KE 632 mula sa Moscow sa pamamagitan ng Incheon na lumapag dakong 9:00 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sa Parañaque City.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Agad namang dinala ang bagong batch ng Sputnik V sa PharmaServ Express cold-chain storage facility sa San Roque, Marikina City.

Umabot na sa 350,000 doses ng Sputnik V dumating sa Pilipinas.

Ayon sa pahayag ni Director Maria Soledad Antonio ng Bureau of International Health Cooperation, ang bagong dating na doses ay ipamamahagi sa mga lugar na may mataas ng kaso ng COVID-19.

PNA photo by Robert Alfile

Sinabi ni Antonio, ang vaccination program ay nananatiling maayos sa kabila ng bahagyang pagkaantala sa paghahatid ng mga bakuna, tiniyak naman niya na may darating na maraming supply sa susunod na linggo.

"This coming week, hahabol tayo sa deployment para mas marami pang mabakunahan sa mga LGUs natin,” aniya.

PNA