TABUK CITY, Kalinga – Dalawang taniman ng marijuana ang sinunog matapos nabisto ng mga tauhan ng Kalinga Provincial Police Office (KPPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bulubundukin ng Barangay Loccong,Tinglayan, Kalinga, kamakailan.
Sinabi ni KPPO Director Davy Limmong, sa unang plantation site ay pinagbubunot ang may 50,000 pirasong fully grown marijuana plants (FGMP) na may halagang ₱10,000,000.
Sa ikalawang site ay umabot naman sa 60,000 piraso ng FGMP na nakatanim sa 3,000 square meter lot , na may halagang ₱12,000,000. Nakuha rin sa lugar ang 50,000 gramo ng marijuana stalks na may halagang ₱6,000,000.
Idinagdag pa ni Limmong na sa kabuuan ay aabot sa ₱28 milyon ang sinunog na tanim na marijuana sa lugar.
Zaldy Comanda