Napipinto na namang magpatupad muli ng dagdag-presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa darating na Martes, Hulyo 13.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tataas ng P1.10 hanggang P1.30 ang presyo ng kada litro ng gasolina at P0.50-P0.60 sa diesel at kerosene. Ang nagbabadyang oil price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Noong Hulyo 6, huling nagtaas ng 60 sentimos sa presyo ng gasolina at 10 sentimos sa presyo ng diesel kasabay ng pagbaba naman ng 5 sentimos sa presyo ng kerosene.

Bella Gamotea

National

ITCZ, easterlies patuloy na nakaaapekto sa PH — PAGASA