Pinabulaanan ni dating Health Secretary at ngayo'y Iloilo Rep. Janette Garin, ang bintang ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na nakiusap siya upang bigyan ng alokasyon ng bakuna ang kanyang probinsiya.

"Isa itong malaking kasinungalingan," reaksyon ng babaing mambabatas.

Naunang isinapubliko ni Galvez ang panghihingi ni Garin ng Covid-19 vaccines bunsod ng akusasyon ng kongresista na pinaiiral ng vaccine czar ang "palakasan" at pagpabor sa ilang local government units (LGUs) sa pamamahagi ng mga bakuna.

“Ang sabi niya, gusto ko raw na sa akin ibigay ang mga bakuna. This is not true at malaki po ‘yang kasinungalingan. What I am asking for is equitable and fair distribution of vaccines,” ayon kay Garin.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

“Nasaan ang malinaw na distribution list? At si Secretary Galvez na rin mismo ang nagsabi na tinatawagan siya ng mga mayor at gobernador. Nagpapakita po ‘yan na nangyayari ‘yan dahil walang malinaw na batayan,” dagdag pa ng Iloilo solon.

Sinabi ni Galvez noong Huwebes na humihingi ng vaccine allocation si Garin kung kaya sinabi niyang hindi ito "tamang protocol" dahil ang mga mambabatas ay wala sa linya o “lineage” ng jab distribution.

Bert de Guzman