Pinangangambahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sasabog ang Pilipinas kung magiging pangulo si dating Senador Antonio Trillanes IV, aniya bobo ito at may "illusions of grandeur."

Inihayag ito ni Duterte matapos siyang akusahan ni Trillanes at ang long-time aide nitong si Senator Bong Go ng katiwalian na nagkakahalaga ng P6.6 bilyong public works contracts noong siya ay alkalde pa ng Davao City.

Sa isang pagpupulong, kasama ang mga lider ng ruling PDP-Laban Party nitong Martes, Hulyo 6, inihayag ng Pangulo na mapapahamak ang Pilipinas kung si Trillanes ang papalit sa kanya sa puwesto.

“Kung 'yan ang mag-presidente, sasabog itong Pilipinas. It will not explode, it will implode,” aniya.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Paliwanag pa nito, may “illusions of grandeur” si Trillanes matapos itong maging principal candidate ng oposisyon, kasama si Bise Presidente Leni Robredo na tatakbo umano bilang gobernador ng Camarines Sur.

“You know si (this) Trillanes, I think he has illusions of grandeur,”sabi ni Duterte.

“Tignan mo? Wala namang ibang ano. Every candidate is always a ‘principal’ [candidate]. Bobo talaga," dagdag pa ng Pangulo.

Argyll Geducos