Hindi nagtapos ng kolehiyo sa Notre Dame of Dadiangas University (NDDU) sa General Santos City, South Cotabato si Senator Emmanuel "Manny" Pacquiao.

Ito ang kinumpirma ni NDDU President Manuel de Leon at sinabing dalawang semestre lamang si Pacquiao sa kanilang pamantasan, mula nangmag-enroll ito sa apat na taon na kursongBachelor of Science and Business Administration (BSBA) major in Marketing Management, noong 2007.

Nilinaw din ng NDDU na hindi sila maaaring magbigay ng Official Transcript of Records (OTR) ni Pacquiao dahil labag ito sa polisiya ng NDDU at alituntunin ng Commission on Higher Education (ChEd) sa pagpapalabas ng school records.

Inilabas ng NDDU ang pahayag bilang tugon sa kahilingan ng Sonshine Media Network International nitong Hulyo 6 kung saan humihiling din na masilip ang school credentials ni Pacquiao.

National

PUV drivers, isasailalim sa mandatory drug test —DOTr

Matatandaang nagtapos si Pacquiao ng Bachelor of Arts in Political Science sa UMak noong Disyembre 2019.