Pormal nang binuksan sa publiko ang East Extension Project ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa Antipolo City nitong Lunes.

Kasabay nito, umarangkada na rin ang libreng sakay na alok ng pamunuan ng LRT-2 para sa mga pasaherong gagamit ng mga bago nilang istasyon na kinabibilangan ng Marikina Station at Antipolo Station.

Binantayan naman ni LRT Authority spokesperson Hernando Cabrera ang pagdating sa Marikina Station ng unang apat na pasahero na patungong Antipolo dakong 4:06 ng madaling araw dahil binigyan niya ang mga ito ng tig-isang commemorative Stored Value ticket na may load na P300.

Matatandaang ang pagkakaloob ng libreng sakay sa mga pasahero ay alinsunod na rin sa kahilingan mismo ni Pangulong  Rodrigo Duterte na siyang nanguna sa pagpapasinaya sa naturang proyekto noong Hulyo 1.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Mary Ann Santiago