Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 5,392 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa hanggang nitong Lunes, Hulyo 5.

Batay sa case bulletin no. 478 ng DOH na inisyu dakong alas-4:00 ng hapon, dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umaabot na ngayon sa kabuuang 1,441,746 ang kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa bansa.

Gayunman, sa naturang bilang ay 3.6% na lamang o 51,594 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa mga aktibong kaso naman, 91.1% ang mild cases; 3.8% ang asymptomatic; 2.1% ang severe, 1.57% ang moderate at 1.5% ang kritikal.

National

Rep. Acidre, hinamon si Roque na tulungan OFWs na naaresto sa Qatar

Samantala, nakapagtala rin naman ang DOH ng karagdagang 6,477 bagong gumaling sa sakit, kaya’t umaabot na ngayon sa 1,364,960 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 94.7% ng kabuuang kaso.

Mayroon din namang 43 bagong namatay dahil sa kumplikasyon ng sakit.  Dahil dito, umaabot na kabuuang 25,192 ang COVID-19 death toll ng bansa o 1.75% ng total COVID-19 cases. 

Mary Ann Santiago