SAN MANUEL, Tarlac - Dinampot ng mga awtoridad ng isang dalagita matapos bentahan ng iligal na droga sa isang pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Vicente nitong Linggo ng gabi.

Hindi na isinapubliko ni San Manuel Police acting chief, Capt. Jeffrey De Guzman, ang pagkakakilanlan ng suspek na isang menor de edad at taga-Brgy. Sto. Tomas, Tarlac City.

Nakumpiska sa suspek ang isang plastic sachet ng shabu at marked money, ayon sa pulisya.

Probinsya

Kumpareng lasing na aksidenteng 'tinuhog' si kumare, nasakote

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

Leandro Alborote