Apektado pa rin ng bagyong 'Emong' ang Batanes at Cagayan matapos isailalim sa signal No.1.

Sa tropical cyclone bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na inilabas kaninang 5:00 ng madaling araw, lumalakas pa rin ang bagyo habang bumibilis ang pagkilos nito patungo sa dulo ng Northern Luzon.

Sa pagtaya ng PAGASA, ang bagyo ay nasa layong 325 kilometro Silangan ng Calayan, Island pagsapit ng hapon nitong Lunes at sa Martes, tinatayang ito ay nasa karagatan ng Itbayat, Batanes.

Sa Miyerkules ng hapon, inaasahan ng PAGASA na nasa labas na ito ng Philippine area of responsibility (PAR) o nasa layong 375 kilometro ng Hilagang Kanluran ng Itbayat, Batanes.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Rommel P. Tabbad