Tiniyak ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na wala pa ring naiuulat na lokal na kaso ng Delta variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Idinahilan ni Dr. Alethea de Guzman, director ng DOH-Epidemiology Bureau, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin sila nakapagtatala ng lokal na kaso ng Delta variant na sinasabing mas nakahahawa.

Sa ngayon aniya ay nananatili pa rin sa 17 ang kaso ng Delta variant na naitala sa bansa at ang mga ito ay pawang mga returning overseas Filipinos lamang.

Sinabi rin ni de Guzman na wala pa rin silang nade-detect na lokal na kaso ng Gamma variant sa Pilipinas.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Ayon kay de Guzman, malaking-bagay dito ang ipinatutupad na mahigpit na border control sa bansa.

Bukod dito, nakakatulong din aniya ang patuloy na pagsunod ng mga mamamayan sa mga health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, madalas na paghuhugas ng kamay at pag-obserba sa physical distancing.

Higit sa lahat, sinabi ni de Guzman na mas mainam kung palalawakin pa ang coverage ng COVID-19 vaccination.

Una nang iniulat ng DOH na mahigit sa 10 milyong katao na sa bansa ang naturukan nila ng bakuna laban sa COVID-19.

Mary Ann Santiago