Simula nitong Huwebes, Hulyo 1, ay suspendido muna ang Service Contracting at Libreng Sakay program ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kasunod nang pagkapaso na ng validity ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Ang Bayanihan 2 ang siyang nagpopondo sa naturang programa ng pamahalaan, na nagbibigay ng libreng sakay sa mga manggagawa ngayong panahon ng pandemya ng COVID-19.
Sa anunsiyo ng DOTr at LTFRB, nagtapos na ang pagkakaloob nila ng libreng sakay sa mga manggagawa sa Metro Manila, Metro Cebu, at Metro Davao dahil sa pagkapaso ng Bayanihan 2, na nagpopondo sa programa, nitong Miyerkules, Hunyo 30.
Mary Ann Santiago