Patuloy ang paglalabas ng Taal volcano ng mataas na lebel ng volcanic sulfur dioxide at steam-rich plumes na umaabot ng 2.5 kilometrong taas sa nakalipas na 24-oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong Martes, Hunyo 29.

Ayon sa Phivolcs, umabot sa average na 14,326 tonnes per day ang ibinugang sulfur dioxideng bulkan nitong Lunes, Hunyo 28, na mas mataas sa 4,771 tonnes na inilabas nitong Linggo, Hunyo 27.

Nakadetekta rin ang ahensiya ng 10 volcanic earthquakes at mabababang pagyanig na paulit-ulit mula noong Abril 8, 2021.

“Based on ground deformation parameters from electronic tilt, continuous GPS and InSAR monitoring, Taal Volcano Island has begun deflating in April 2021 while the Taal region continues to undergo very slow extension since 2020,” ayon sa Phivolcs.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Binigyang-diin din ng ahensiya na ang mga parametrong ito ay nagpapahiwatig na patuloy ang magmatic unrest sa ilalim ng bulkan, kayat patuloy na nakataas ang Alert Level 2.

Nasa ilalim ng Alert Level 2 ang Taal Volcano mula pa noong Marso 9, 2021.

Muli ring ipinaalala ng Phivolcs ang posibilidad ng bilaang steam o gas-driven explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o paglalabas ng volcanic gas na maaaring makaapekto sa paligid ng Taal Volcano Island.

Dapat ding mahigpit na ipagbawal ang pagpasok sa volcano island, na isang permanent danger zone, lalo na sa main crater at Daang Kastila fissure.

Ellalyn De Vera-Ruiz