FORT MAGSAYSAY, Palayan City, Nueva Ecija - Napatay ang isang umano'y opisyal ng Communist Party of the Philippines/New People's Army (CPP/NPA) nang makasagupa ng grupo nito ang mga pulis sa Barangay Pinulot, Dinalupihan, Bataan, kamakailan.
Sa panayam kay 703rd Brigade commander, Brig. Gen. Andrew Costelo, ng Philippine Army (PA), nakilala lamang ang napatay na rebelde sa alyas na "Ka Randy" at "Ka Boy" na sinasabing vice commander ng NPA.
Sa report ng militar, bago naganap ang insidente ay nagpapatrulya ang mga tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Sito Pintong Bakal nang mamataan nila ang grupo ng mga rebelde.
Sa pagkakataong ito, nagkaroon ng sagupaan ang magkabilang panig na ikinasawi ng nasabing rebelde.
Nasamsam sa lugar ang isang M14 Armalite rifle, mga bala at iba pang personal na kagamitan.
Ariel Avendaño at Liezle Basa Iñigo