Dating I.T. head sa isang corporate company ngayon ay Boss na ng kanyang mobile coffee shop!

Mong Vicente, 36, diskarte at determinasyon ang kanyang sikreto para mas makilala ang kanyang negosyo naCityboybrew na halos nag-umpisa sa wala.

Naisipang mag business ni Vicente dahil ayaw niyang manatili sa isang kumpanya na tila nagiging paulit-ulit lamang ang nangyayari.

“Reason po eh, ayaw ko na lang po talaga ng may boss, tapos 9 hours kang nasa office. Siguro burned out na talaga ako noon. Parang sinabi ko na lang din talaga sa sarili ko na, ‘hindi pwedeng ganito na lang palagi.’” Ayon sa kanya.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Bukod sa pagiging I.T. head noon, freelance photographer din siya. At bago pa lamang siya magresign, nagtitinda na rin siya ng cold brew na kape online at nagkaroon din siya ng clothing line. Tingin niya ay pang business siya at hindi pang corporate.

Larawan mula kay Mong Vicente

“Bago po ako magresign eh nagtitinda na din po ako ng kape online, cold brew, eh nakita ko pong malakas kasi po box box na din po yung order sa akin, saka may clothing line din po ako. ‘Yun po ‘yung nagtrigger sa akin magresign at para magawa ko po ‘yung vision ko. Feeling ko talaga noon pang business po ako hindi pang corporate.”

Larawan mula kay Mong Vicente

Nobyembre 2020, isinasaayos na niya ang mga plano niya para sa kanyang mobile coffee shop. Disyembre 2020 naman ay nagresign siya sa kanyang trabaho at tinahak ang pagnenegosyo.

Sa halagang 3,000 pesos, Siya ay nakapagtayo ng mobile coffee shop gamit ang kanyang bike. Naging inspirasyon niya ang The Coffee Mobile sa Davao ngunit motor ang gamit nito, kaya naisipan niyang bike na lamang ang gamitin niya dahil iyon lang ang mayroon siya.

Larawan mula kay Mong Vicente

Hindi naging madali ang naging simula ng kanyang negosyo. Noon, sa loob ng dalawang linggo ay dalawang baso ng kape lang ang nabenta niya. At bukod tanging kapatid at kaibigan lang niya ang nakabili sakanya noon.

“2 cups po for 2 weeks, kapatid ko bumili tsaka isang tropa ko. Parang ayaw ko nga maniwala sa ibang pop up noon na 17k yung sales nila sa first 2 days lang nila kasi hindi nangyari sakin.”

Ngunit hindi ito naging hadlang para hindi magpatuloy. Una, ayaw na niyang bumalik sa corporate at pangalawa, kailangan niyang suportahan ang kanyang 3 anak at buntis na asawa.

Sa sipag, tiyaga, diskarte at determinasyon, unti-unti nang nakikilala ang kanyang negosyo. Mula sa 2 cups sa loob ng dalawang linggo naging mahigit 100 cups kada araw. Mahigit kumulang 500 cups ang pinakamataas na benta niya.

Kung noon sa pagtatrabaho niya bilang I.T. head ay kumikita lamang siya ng P26,000 kada buwan. Ngayon ay higit P90,000 na ang kita niya kada buwan bukod pa ang naging kita niya sa dalawang nag franchise sa kanya.

Napagresign din niya ang kanyang asawa sa trabaho nito para maging katuwang niya sa kanilang negosyo.

Larawan mula kay Mong Vicente

Hindi madali at napakalaking sugal ang ginawa ni Mong Vicente. Aniya’y kahit isa lang ang naniniwala, magpatuloy lang dahil suporta pa rin daw iyon.

"Tsaka add ko lang po na kahit isa lang sumuporta sa kanila hindi dapat maging handlang 'yun para huminto o mawalan ng lakas ng loob. Isa o dalawang suporta eh still support padin 'yun. Palitan nila ng suporta ang pakikipag kumpitensya, mas malaki kasing balik 'nun balang araw." aniya

“Hindi siya madali so hindi ko po sila ineencourage magresign agad gaya nang ginawa ko kasi napakalaking sugal ‘yun, pero kung buo ang loob nila mas magandang mag-isip sila ng kakaiba na wala pa sa market, ‘wag silang magpadala sa hype.” dagdag pa niya.