Dumating sa bansa ang dalawang milyong doses ng Sinovac vaccine mula sa China sa pag-asang mapaigting nito ang vaccination program ng gobyerno.

Sinalubong nina Department of Health (DOH Secretary Francisco Duque at vaccine czar Carlito Galvez ang nabanggit na bakuna na sakay ng Cebu Pacific flight 5J671 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 2, nitong Huwebes.

Nasa 1.6 milyon sa naturang bakuna ang kukunin ng DOH habang ang 400,000 nito ay idi-deliver sa Manila City government.

Kaugnay nito, inaasahan namang darating sa Pilipinas ang bahagi ng 20 milyong doses ng Moderna vaccine na binili ng gobyerno sa Amerika.

National

Through ng LPA at easterlies, patuloy na nakaaapekto sa PH – PAGASA

Aabot sa 13 milyon nito ang binili ng pamahalaan at ang pitong milyon nito ay ididiretso sa pribadong sektor.

Ariel Fernandez  at Mary Ann Santiago