Trending sa Twitter ang spoken word artist at manunulat na si Juan Miguel Severo dahil sa umano'y pang “harass” nito sa isang actor at tatlo pang kalalakihan.

Bagamat hindi pinangalanan ng artistang si Paolo Pangilinan sa tweet nito ang sinasabi niyang nang harass sa kanya, tahasan naman siyang pinangalanan at ti-nag ng mga netizens.

Ito ang tweet ni Paolo “Basta yung sakin lang harassers shouldn’t assert be put in positions of power esp when they’ve been reported already thank u no delete,” aniya.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

https://twitter.com/paopangs/status/1406593214920892422?s=21

Gayunman, wala pang opisyal na pahayag ang management ni Paolo tungkol sa issue.

Samantala, naglabas na ng official statement sa Twitter ang fan club ni Juan Miguel na 'Pechay at Payong' na dating kilala bilang Gegemons OFC.

Anila, ang mga miyembro ng kanilang grupo ay hindi pumapayag sa anumang uri ng harassment at tumanggi na ipagpapatuloy nila ang pagsuporta sa sinasabing gumawa nito.

https://twitter.com/pechayatpayong/status/1406849591362809865?s=21

Samu't sari ang naging reaksyon ng mga netizens sa Twitter tungkol sa viral issue.

Nag-deactivate na ng Twitter account si Severo at hindi pa sinasagot ang mga pinupukol na isyu sa kanya.

Si Juan Miguel Severo ang sumulat ng Gaya sa Pelikula na pinagbidahan ni Paolo Pangilinan.