Dahil sa pandemic, talagang marami ang naging apektado financially dahil sa nawalan o nabawasan ng trabaho. Maging sa showbiz umaaray rin sa kakulangan ng projects ng mga celebrities. Kaya naman gumagawa sila ng paraan upang maitawid ang mga pangangailangan sa pang-araw araw na buhay. Ang ilan nga ay nag-online business, o kaya naman sa social media o kaya gamit ang ilang apps para maghatid saya sa mga tao at ang iba naman ay sa delivery ng food at iba pang puwede nilang pagkakitaan.

Pero mayroon pa ring masusuwerteng may natatanggap na projects. Gaya ni Carla Abellana. Ika nga niya sa kanyang vlog mayroon na raw siyang ilalatag sa hapag kainan nang siya ay makasama sa isang teleserye ng GMA-7.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Isa rin sa mapalad at tuloy ang blessings ay ang promising young actor na si McCoy de Leon ang member ng Hashtag ng “It’s Showtime” at naging produkto ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 at talent na ngayon ng Viva. Right now, isa siya sa mga bida ng comedy pantaserye na “Puto.” Ang classic ‘80’s movie ni Herbert Bautista na ginawa ngayong TV series sequel ng TV5 na mapapanood tuwing Sabado starting June 19 sa ganap na 6 p.m. Si Uno ang ginampanang papel ni McCoy ang kaisa-isang anak dito ni Herbert Bautista.

Itong pandemic lahat naman tayo relate much kaya naman tinanong ngBalitasi McCoy sa recent virtual “Puto” mediacon kung anu-ano ang mga natutunan niya itong pandemya? Saad niya, “Natutunan ko ngayong pandemic napakarami po. Unang una magtipid, magpasalamat sa Diyos at pahalagahan kung sino ang nandiyan. Ang dami ang dami pa po. Pero ngayon, yung present ko eto itong trabaho na ito maging grateful at thankful kasi may trabaho. Itong “Puto” itong work na ito thankful po ako.”

Hindi naman nakapagtataka na biyayaan si McCoy ng work dahil kilala siyang tumutulong sa pamilya. Katunayan nga nakapagpundar na siya ng dalawang building at yung renta nito ang siyang naging panggastos ng kaniyang pamilya nang pumasok ang pandemic. Hindi lang iyon dahil itinuloy ni McCoy ang kanyang pag-aaral ng college sa pamamagitan ng online class. Civil engineering ang kurso niya sa Mapua Institute of Technology. Sabi pa nga niya iba pa rin daw kapag nakatapos ng pag-aaral. Yun na!