Ang mungkahing pagtatanggal ng face shields ang magiging agenda sa miting ng pandemic task force ngayong Huwebes, Hunyo 17.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, naka-iskedyul ang miting ng IATF ngayong Huwebes upang pag-usapan ang mungkahing tanggalin na ang face shields. Ang magiging desisyon ay i-aanunsyo pagkatapos ng miting.

“May IATF kami mamaya. Pag-uusapan namin. If there is any announcement sa bagong protocol, ilalabas namin.” ayon kay Nograles

"Required pa rin ang face shields." pagdidiin niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaan na sinabi ni Senate President Tito Sotto ngayong araw na pumayag si Pangulong Duterte na tanggalin ang mga face shields at sa mga ospital na lamang ito gagamitin.

https://twitter.com/sotto_tito/status/1405293619729166339

“Last night, the President agreed that face shields should only be used in hospitals. Allowed us to remove ours! Attn DOH!” Pahayag niya sa kanyang Twitter account

Inihayag ni Sotto ang impormasyon isang araw matapos sabihin ni Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega na maaaring alisin na ang face shield outdoors.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/06/16/doh-face-shields-maaaring-alisin-outdoors-pero-suot-dapat-indoors/