Hindi tinanggap ng pamilya Absalon ang paghingi ng tawad at kahit anong indemnification mula sa CPP-NPA kaugnay sa pagkamatay ni Kieth Absalon at ng pinsan nitong si Nolven Absalon.

Matatandaan na inako ng CPP-NPA ang responsibilidad sa pagkamatay nina Kieth at Nolven Absalon noong Hunyo 6.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“We fervently hope that the Absalon family, their relatives and friends, and the entire Filipino people can accept our profound apologies, self-criticism and willingness to express any form of indemnification,” ayon sa CPP.

Ayon kay Vilma Absalon, ina ni kieth, ang paghingi daw ng tawad ay hindi hustisya.

“That’s not justice, saying sorry is easy! Attaining justice does not start with saying sorry. Honestly, I want them gone (NPA), I want them to disappear and stop their destructive activities.” pahayag niya.

Nitong Biyernes, Hunyo 11, ayon sa PNP, hindi raw umano sinasagot ng CPP ang kanilang tawag para isuko ang mga sangkot sa pagkamatay ni Kieth at ng pinsan nito dahil sa IED sa Masbate noong Hunyo 6.

Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang CPA-NPA raw ay “have never been sincere” sa paghingi ng tawad sa pamilya ng mga biktima.

“What can we expect from these rebels who are just pretending to be remorseful over their terrorist attack that killed Kieth and Nolven?”

“They have never been sincere, in the first place, and we have expected this from them. The CPP-NPA will not listen to reason, [they’re] stuck in their crooked and twisted way of thinking,” dagdag niya.

Pagdidiin ni Eleazar, “Ang lalakas ng loob nilang pumuna sa pamahalaan at ginagamit pa nila itong instrumento para linlangin ang taumbayan pero ang sarili nilang tauhan bini-baby kapag nakapatay ng mga inosenteng sibilyan? Ito ay patunay kung anong klaseng ideolohiya meron ang mga grupong ito.”

Gayunpaman, nangako ang PNP Chief na bibigyan nila ng hustisya ang pagkamatay ng mga Absalon habang nagpapatuloy sila sa operasyon laban sa 30 NPA rebels sa Masbate City.

“I assure the Absalon family that the joint forces of the police and the military will not stop pursuing the perpetrators of this senseless killing and bring them to justice,” aniya.

Nagbibisikleta nitong Linggo si Kieth kasama ang kanyang pinsan nang sumabog ang isang Improvised Explosive Device (IED) sa kanilang dinadaanan sa Purok 4, Barangay Anas, Masbate City na naging sanhi nang pagkamatay nilang dalawa.