The Hague, Netherlands — Higit 800 ang naaresto ng pulisya sa buong mundo sa isang malawakang global sting sangkot ang encrypted phones na sikretong naplantahan ng FBI, pahayag ng law enforcement agencies nitong Martes.

Nagawang mabasa ng mga awtoridad ang mga messages ng global underworld figures sa halos 100 bansa habang nakikipagtransaksyon ngdroga, armas at mga gang gamit ang ANOM devices.

Ang ebidensiya mula sa “Operation Trojan Shield” ay nakatulong upang maiwasan ang

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

100 murders at maharang ang ilang large-scale drug shipments, ayon sa mga opisyal mula FBI, EU’s police agency Europol at iba pang bansa hanggang sa Australia.

“The results are staggering,” paglalarawan ni FBI Assistant Director Calvin Shivers sa mga reporters sa Europol’s HQ sa The Netherlands.

Aniya, “[FBI had provided criminal syndicates in over 100 countries with the devices over the last 18 months] that allowed us to monitor their communications.”

Nasa 16 na bansa naman ang naglunsad ng raids base sa ebidensiya mula sa kanilang mga phones, at nasa 12,000 ang nai-distribute sa buong mundo.

“This information led over the last week to hundreds of law enforcement operations on a global scale from New Zealand to Australia to Europe and the USA, with impressive results,” pahayag ni Jean-Philippe Lecouffe, Deputy Director Operations ng Europol.

“More than 800 arrests, more than 700 locations searched, more than 8 tonnes of cocaine.”

Agence-France-Presse