Nakapagtala ng magnitude 5.3 na lindol ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Surigao del Norte ngayong Martes ng umaga, Hunyo 8.
Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol bandang 5:41 ng umaga. Naitala ang epicenter nito sa layong 68 kilometro Hilagang Silangan ng Burgos, Surigao del Norte.
Ang pagyanig ay may lalim na 1 kilometro.
Sinabi ng Phivolcs na ang pagyanig ay “moderately strong.”
Naitala ang intensity IV sa Dapa, Surigao del Norte; Intensity II sa Surigao City at Abuyog Leyte; at Intensity I sa Baybay, Leyte at Gingoog, Misamis Oriental.
Idinagdag ng Phivolcs, tectonic ang pinag-ugatan ng pagyanig. Walang inaasahan na kahit anong pinsala sa mga ari-arian, subalit inaasahan ang aftershocks.