Patuloy sa kanyang preparasyon, 50 araw bago ganap sa sumabak sa kanyang unang Olympic stint ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena.
Kasunod ng kanyang gold medal performance sa Sweden, nagwagi naman ng silver medal si Obiena sa 2021 FBK Games sa Hengelo, Netherlands matapos matalon ang baras na nakataas ng 5.80 meters sa una niyang attempt, kasunod ng gold medal winner na si Armand Duplantis ng Sweden na nakatalon 6.10 meters.
Natalon din ng hometown bet na si Menno Vloon ang 5.80 meter mark, ngunit nakailang beses syang sumubok at nagkasya na lamang sa bronze.
Bagamat silver lamang sa pagkakataong ito, nalagpasan ni Obiena ang kanyang golden performance noong isang linggo nang magtala sya ng 5.70 meters sa Folksam Athletics Grand Prix.
Si Obiena ang una sa sampung mga Filipino athletes na nagkamit na ng slot sa quadrennial meet na kinabibilangan nina Carlos Yulo (gymnastics), Hidilyn Diaz (weightlifting) and Eumir Marcial, Irish Magno, Carlo Paalam, Nesthy Petecio (boxing), Cris Nievarez (rowing), at Kurt Barbosa (taekwondo).