Patuloy umanong bumababa ang mga naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR), ayon sa Department of Health (DOH).

Idinahilan ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang share ng NCR sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa buong bansa ay bumaba na sa 13% sa ngayon.

Ito’y malaking pagbabago aniya mula sa dating 30% hanggang 40% share sa mga COVID-19 case sa bansa.

“Nakikita rin ho natin ngayon na National Capital Region ay talagang bumababa na. It's share of cases in the totality of cases in the country is just about 13% na lang po ngayon when during the surge, tayo po'y umaabot ng 30% to 40% share sa mga kaso.

Bagyong ‘Ada’ papalayo na sa Catanduanes

Ngayon ay 13%,” ayon pa kay Vergeire.

Kaugnay nito, iniulat rin naman ni Vergeire na ang Mindanao ay mayroon namang 25% share, ang Visayas ay may 20% share, at ang iba pang bahagi ng Luzon ay mayroong 40% share sa total number ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon sa DOH, nitong Linggo ay nakapagtala pa sila ng 7,228 bagong COVID-19 infections. Sa kabuuan, aabot na sa 1,269,478 ang total na confirmed COVID-19 cases sa bansa.

Mary Ann Santiago