Sa panibagong pagkakataon, muling nanawagan si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pageant fans na tigilan na ang bashing, dahil dapat magbigay-daan sa pagkakaisa ang pageantry.

“Ang message ng Miss Universe is for the girls na magsama-sama, acceptance kahit na iba-iba kayo ng pinangalingan. Ang pangit lang doon is the audience which is now the complete opposite. Watak-watak lahat. They’re fighting, pulling each other down. What we keep saying over and over again is to accept one another. Kayo ba hindi napapagod? Kasi ako medyo…,” pakiusap ni Pia, sa panibagong episode ng kanyang sikat na YouTube show, ang “Queentuhan” kasama ang mga beauty queens na sina Bianca Quidotti at Carla Lizardo nitong Mayo 18.

Giit ni Pia, tigilan na dapat ng pageant fans ang pagiging emosyonal at tanggapin na lang ang desisyon ng mga hurado.

“I also read comments na binili raw, maraming Latina na judges. Huwag natin i-doubt yung organization. Kasi wala ng manunood ng Miss Universe kung luto ito. Yun talaga ang napili ng judges. It’s her destiny. Let’s shake hands and accept defeat,” say ni Pia. “Pag tayo naman ang nananalo wala namang sumisigaw ng luto. Pag hindi tayo nanalo, luto lagi, ganun. This edition is so toxic. I don’t know why siguro everybody’s at home and naka-focus dito. It just feels more intense this year,” pahayag pa ng German-Filipino beauty queen.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“May konting kirot pa rin kay Rabiya but I am excited for Andrea and I mean that.”

Nagkomento rin ang queens sa balitang sa Disyembre o Enero 2022 na gaganapin ang susunod na Miss Universe pageant.

“If the rumors are true that the Miss Universe will be held soon, we got to start working now. Before we know it, December na naman uli,” aniya.

Naniniwala din Pia na magkakaroon ng magandang career si Rabiya after ng kanyang journey sa Miss Universe.

“People love her, and they can relate to her. She’s also funny,” saad pa ng beauty.