May bagong billboard ang Filipino singer-actor na si James Reid sa Big Apple!

“We up in NYC again,” excited na pagbabahagi ni James.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

https://twitter.com/tellemjaye/status/1393437453533339652

Positibo ang reaksyon sa tweets ni James, na karamihan ay nag-congratulate sa latest milestone ng singer.

Isang advertisement pala ito para sa “Mixtape Asia” playlist Amazon Music, kung saan nag-no.1 ang kanyang awiting “Crazy,” isang Amazon Original.

Ang nasabing listahan ay naglalaman ng 60 tracks mula sa Asian artists, na “curated” ng company’s experts.

Kabilang sa naturang listahan ang Fil-Am performers tulad nina H.E.R para sa “Damage,” Bruno Mars sa kanyang “Leave The Door Open” (kasama si Anderson .Paak), Iñigo Pascual sa “Goodbye” (kasama sina Annalé, Mateus Asato, MFMF), Ylona Garcia sa “All That,” at James remixing Yuna’s “Dance Like Nobody’s Watching.”

Kamakailan lamang ay nakita rin ang mukha ni Nadine Lustre sa isang billboard sa Times Square.

Stephanie Bernardino