Inanunsiyo na ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang mga napiling bubuo sa national pool beach men's at beach women's volleyball teams na isasabak sa international competitions, kabilang na ang 31st Southeast Asian Games.
Lahat ng 16 na player na dumalo sa tryout para sa women's national team sa Subic noong nakaraang buwan ay kabilang sa listahang isusumite sa Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC).
Gayunman, ayon kay coach Odjie Mamon, magdadagdag pa sila ng mga setters, liberos at outside hitters.
Apat hanggang anim na players pa ang idadagdag sa women's pool, ayon kay PNVF president Ramon Suzara. Makatutulong ni Mamon siincoming Brazilian coach Jorge Edson Souza de Brito sa pagpili ng idadagdag.
"They will be selected during the start of the PVL and of course, from the previous competitions," ani Suzara sa isang virtual press conference noong Miyerkules ng hapon. "We cannot have another tryout because it's too costly. It's so costly to have another tryout in Subic."
Ang mga nasa women's pool ay sina:
Setters -Iris Tolenada at Kamille Cal (NU)
Outside Hitters - Faith Nisperos, Ivy Lacsina at Mhicaela Belen (NU)
Opposites Hitters -Mylene Paat, Eya Laure at Alyssa Solomon (NU)
Middle Blockers - Aby Maraño, Majoy Baron, Jaja Santiago, Dell Palomata, Ria Meneses at Imee Hernandez
Liberos - Jennifer Nierva atBernadette Pepito
Sa panig naman ng kalalakihan, aabpt sa 20 ang napili upang mapabilang sa pool na pinangungunahan ng 13 manlalarong bahagi ng koponang nagwagi ng silver medal noong nakaraang SEA Games.
Narito ang mga napili para sa men's pool:
Setters - Jessie Lopez, Kim Dayadante, Ish Polvorosa atbJosh Retamar
Outside Hitters - Mark Alfafara, Marck Espejo, Bryan Bagunas , Joshua Umandal at Nico Almendras
Opposite Hitters - John Vic de Guzman, Ysay Marasigan at Joeven dela Vega
Middle Blockers - Rex Intal,Kim Malabunga, Francis Saura, JP Bugaoan at Lloyd Josafat
Liberos - Jack Kalingking, Ricky Marcos at Manuel Sumanguid
Magsisimula ang training camp ng men's at women's indoor volleyball sa Hunyo 1 sa Subic.Marivic Awitan