MAS may dahilan ang basketball fans na subaybayan ang Mindanao leg ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup.

Kabilang ang actor na si Gerald Anderson sa koponan ng Brew Authoritea – isa sa siyam na koponan na kompirmadong lalahok sa liga – ang kauna-unahang professional basketball league sa South.

Nakatakda ang Mindanao leg sa Mayo 25 sa Dipolog City sa Zamboanga del Sur.

Wala pang lalawigan o local government unit (LGU) na katambal ang Brew Authoritea.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang 32-anyos na matinee idol ay nakapaglaro na sa Imus Bandera sa 2019-21 Chooks-to-Go Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season.

Makakasama ni Anderson, ayon kay team owner Mogs Gonzales, ang mga beterano at palaban na mga nagbabalik pro tulad nina Ronjay Buenafe, Mac Baracael, Riel Cervantes, Joseph Sedurifa, at Paul Sanga.

Kabilang din sa koponan sina Lucas Tagarda, Ralph Salcedo, Francis Munsayac, Mark Sarangay, Brylle Meca, Andro Catipay, Andoy Estrella, at John Gonzaga.

Pangangasiwaan ang Brew Authoritea ni coach Vis Valencia, kasama sina Dale Lacorte at Leo Avenido. Si Nino Valenzuela ang team manager.